Header Ads

Si Carolina At Ang Misteryo Ng Biringan City

Narinig n'yo na ba ang kwento tungkol sa nawawalang syudad sa probinsya ng Samar, ang Biringan?
Narito ang isang kwento sa likod ng misteryo ng Biringan City.


Year 1983, nag-aaral sa Manila 'yung Tita ng kaibigan ko. May kaklase daw s'ya na ang pangalan ay "Carolina". Napakaganda raw ni Carolina, mayaman at matalino. Mag-eend of semester na daw 'yun nu'ng inimbitahan silang magkakaklase sa lugar nila Carolina, magfifiesta na raw dun. Tinanong n'ya kung san 'yung lugar n'ya. Sa Biringan City Samar daw. Sinabi pa ni Carolina na s'ya na lang sasagot sa pamasahe nila papunta at pabalik ng Manila. 'Yung ibang kaklase nila hindi na sumama kasi magsisiuwian sa mga kani-kanilang probinsya para dun na magbakasyon kasama pamilya nila. Sasama na sana 'yung Tita ng kaibigan ko para makalibre ng pamasahe pauwi since taga Leyte s'ya kaso hindi s'ya nakasama dahil hindi s'ya pinayagan. Umuwi lang muna sa Lola n'ya dun sa Manila.

Bale, apat na lang sila na pumunta ng Samar. Si Carolina, at 'yung tatlo nilang kaibigan na taga Manila. Simula nu'n hindi na nakauwi ng Manila 'yung tatlong kaibigan n'ya. Hindi na raw ito nakita pa. Hinanap nila dun sa Samar 'yung tatlong kaibigan nila kasama 'yung pamilya ng tatlo pero hindi talaga nila nahanap kasi malalaman nila na walang Biringan City sa Samar.

After a few years, napanaginipan ng kapatid nung isang nawawala, sabi sa panaginip n'ya na nasa Biringan City na raw s'ya. Maligaya daw ito at may pamilya na. 'Di na daw sila dapat mabahala kasi nasa maayos s'ya na kalagayan, kasama n'ya 'yung kaibigan nila at si Carolina.

Ilang buwan naman ang nakalipas, 'yung isang kasamahan nila na nawawala ay nagpadala ng sulat sa pamilya n'ya, ganun din daw na maligaya na s'ya dun sa Biringan. Napakalaking City raw nito, masasaya 'yung mga tao, may anak na raw s'ya napangasawa n'ya ay isa sa pinakamayamang engkanto dun.

Simula nu'n mas lumakas pa 'yung mga kwento-kwento about sa lost city. Kwento ng isang kaibigan ko na taga Samar, nakaka walo sa isang buwan na may napapadpad na mga delivery man na nagtatanong sa kanila kung asan daw 'yung lugar na Biringan City. Kasi raw may nag-order sa kanila, mga furnitures, auto, sako-sakong semento at marami pa na galing ibang bansa pa 'yung iba, 'yung iba naman galing Manila o Cebu. Nasa headlines din daw nu'ng 1980's na ang Pinas ay one of the richest country because of the enchanted lady called, Carolina.

May isang kwento naman na may isang malaking cargo ship na nagdeliver sa Biringan City ng materials and appliances, sinabihan sila nung client na gabi daw i-deliver dun. Nu'ng nakarating na sila mga 7 ng gabi na iyon. Laking gulat ng mga crew ng barko dahil first time nila makakita ng napakagandang city. Full of amazing lights, beatiful mansion, beautiful people, magagada raw 'yung mga kalsada, malinis at may magagandang landscape. Hindi agad umalis 'yung barko. Nu'ng magising sila  ng umaga, nagulat sila na wala na 'yung mga bahay, mga tao na nakita nila nu'ng gabi. Malalaking puno na lang 'yung nakikita nila.

Dito na nagsimula na nakilala 'yung Biringan City stories sa buong mundo.

Source: Spookify

Ang Biringan ay waray na salita na ang kahulugan ay 'hanapan ng mga taong nawawala'. Ayon sa alamat, ang Biringan ay matatagpuan sa lalawigan ng Samar kung saan nasasakupan ang buong isla nito.

Sa iba pang mga kwento ng matatanda sa Samar, ang Biringan ay tirahan ng mga engkanto. Isang napakayaman na lugar at syudad na may mataas na antas ng pamumuhay. Nahahati ang uri ng mga nilalang sa Biringan sa mabuti at masama.

Sa buong probinsya ng Samar ay mayroon lamang pitong portal o lagusan patungo sa nasabing lugar kung saan mga piling tao lamang ang nakakaalam nito. May ilang mga residente sa Samar na nakaranas ng 'sapi' o 'exorcism', senyales na isang nilalang mula sa Biringan ang sumapi sa tao na pamamaraan nila upang dalhin ang katauhan at espiritu ng indibidwal sa Biringan City.

Sa mga kwentong waray, may tatlong rason kung bakit nangunguha ng tao ang mga taga-Biringan. Maaaring dahil sa kinikilusan nilang kapaligiran, maaari ding nagustuhan ka nila, at maaaring naawa sila sa'yo.

Para sa mga nakaranas sa misteryo ng Biringan City, may ilan silang patunay na ang Biringan ay may realidad na katotohanan. Sa katunayan, maraming delivery ng mga furnitures, appliances, sasakyan, at iba pang mga kagamitan mula Cebu at Maynila ang orders na naka-address mismo sa Biringan City. Ang isang nakakapagtaka, bayad ang lahat ng ito.

Ang kwento ng Biringan ay ilan lamang sa mga kwento ng kababalaghan na puno ng misteryo. Para sa mga waray, walang masama kung magbigay ng respeto sa paniniwala sa mundong nakikita at HINDI NAKIKITA.


Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.