Header Ads

Banat Ni Duterte Sa U.S. Aid Agency: Kainin na ninyo yang pera ninyo!



Matapos maging kontrobersyal sa buong mundo ang di umanoy sunud-sunod na patayan at paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Duterte ay ipinroklma kamakailan ng United States aid agency ang pansamantalang pagpapaliban ng kanilang ayuda sa bansa.


Mula ng maupo si President Duterte sa pinakamataas na posisyon simula noong Hunyo, naging kamay na bakal sa pagtupad ng kanyang pangako ang pangulo na sugpuin ang iligal na droga sa buong bansa. Nagresulta ito ng ilang pagkitil sa buhay ng mga pilipino na sangkot sa iligal na droga.

Matatandaan na bago maupo ang Presidente ay nagbigay na siya ng babala sa mga kababayan na sangkot sa iligal na gawain na tumigil na at sumuko sa polisya upang magbagong buhay. Subalit ang sitwasyong ito ang ginagamit ng mga kritiko laban sa kanyang pamamahala.

Ang pamamaraan ng pagsugpo sa iligal na droga ni Pangulong Duterte ay nagresulta ng pagkadismaya ng Estados Unidos para ipagpatuloy ang pagbibigay ng tulong sa bansa.

Kamakailan ay inanunsyo ng Millenium Challenge Corporation (MCC) na pansamantala na muna nilang ipagpapaliban ang pagbibigay ng multi-million dollar development grant sa bansa, ang dahilan ay ang pag-aalala ng United States sa kasalukuyang "rule of law and civil liberties" sa bansa.

Sa isang pagbisita ni Pangulong Duterte sa mga sugatang sundalo sa Western Mindanao Command (Wesmincom) headquarters sa Zamboanga City nakapanayam ng media ang pangulo upang hingan ng komentaryo kaugnay sa pagpapabaliban ng ayuda ng U.S. sa bansa. Sinabi niya na "Kainin na ninyo yang dollar ninyo! Letse kayo!"

Dagdag pa ng Pangulo, "If you think that we are not a behaved civilized people, then go out of the Philippines. We don't need you, we don't need the aid, we will survive". Sabay na pagtukoy na ang China ay may inisyatibang ayuda sa bansa na nagkakahalaga ng $50-billion.

Inulit pa ng Pangulo na maaari niyang iurong ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at U.S. Sabi pa ng Pangulo, "Yes, If that is how discourteous  they are. I don't want to have dealings with you. Pinipicture n'yo kami na patay-gutom, sige umalis kayo! Visiting Forces Agreement, what? Tinuturuan nila 'yung mga sundalong Pilipino? Mas mahusay pa, we are 10 times better than them,"

Paano nalang ang mga kagamitan ng mga sundalo na mula sa US kung ibabasura ang VFA? Sagot ng Pangulo, "I will get the money, the AFP should not worry. I will produce the money to build the thing (facility) and much more".

Source: GMA News Online

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.