Paano Nagsimula Ang Tao?
Kapag tumingin ka sa iyong sarili, tumitingin ka rin sa isang nilalang na nasa tuktok ng mahigit apat na bilyong taon ng ebolusyon ng earth. Sa lahat ng nilalang, ang ating species ang may pinakamadaming pinagdaanan.
Nakakalakad tayo sa dalawang paa, nagagamit ang kamay sa hindi mabilang na paraan, at higit sa lahat, may pinaka-advanced na emosyon at pag-iisip. Paano natin nakuha ang mga katangiang ito na tumulong sa atin na sakupin ang buong daigdig? Paano ikaw, ako at ang pitong bilyong indibidwal sa mundo ay naging tao?
Madami nang naging kwento tungkol sa pinagmulan ng tao. Halos lahat yata ng kultura ay may sariling bersyon nito. Natural lamang sa atin na alamin ang ating pinagmulan. Sa artikulong ito malalaman nyo naman ang bersyon ng agham tungkol sa pinagmulan nating lahat.
Nagsimula ang lahat nang tayo ay tumayo sa dalawa nating mga paa, o ang maging bipedal, dito sa pinagmulan ng lahat ng tao sa daigdig, ang Africa. Ilang milyong taon na ang nakalilipas, ang Africa ay nagkaroon ng matinding pagbabago sa klima. Numipis ang kagubatan at nagkalayo-layo ang mga puno.
Sinasabi na ang bipedalism ay ang adaptation ng ating ninuno para maabot ang mga prutas sa mabababang sanga, o di kaya naman ay makatingin sa ibabaw ng mga matataas na damo. Ngunit ang isa sa pinakamalaking advantage ng bipedalism ay ang konserbasyon ng enerhiya.
Ang paglalakad sa dalawang paa ay hindi kumakain ng mas maraming enerhiya kumpara sa paglalakas sa apat. Mas naging madali sa ating mga ninuno na maglakad sa damuhan at magpalipat-lipat sa magkakalayong puno. Pinaniniwalaang ang pinakaunang gumawa nito ay ang Sahelanthropus na nabuhay pitong milyong taon na ang nakararaan.
Ang pagiging bipedal ay nagdulot ng malaking pagbabago sa ating katawan. Ang ating mga braso ay umiksi, ang spine ay nagkorteng-S, at ang bewang ay lumiit. Sa madaling salita, tayo ay naging sexy at matipuno. Mula sa pagbababa sa mga puno ay sinakop ng ating mga ninuno ang malalapad na plains ng Africa. Idinesenyo tayo para tumakbo at maglakad ng mahahabang distansya.
Ngunit ang malayo sa mga lilim at manatili sa sikat ng araw ay nagbibigay ng matinding init sa katawan. Kasama na dito ang pagtaas ng temperatura mula sa pagbili ng ating paggalaw. Dahil dito, kailangan ng mga sinaunang tao ng epektibong cooling system. Nagagawa ito ng ilang mammals sa tulong ng pagpa-pant, kagaya ng ginagawa ng ating mga alagang aso.
Nagpalamig naman ang ating ninuno hindi sa pagpapalawit ng dila kundi sa tulong ng pagpapawis. Sa tulong ng pawis, ang sobrang init sa katawan ay kasamang nag-e-evaporate sa hangin. Dagdag dito, binawasan ng ebolusyon ng buhok ang ating katawan upang sa gayon ay mas mapabilis ang prosesong ito. Hindi nga naman madaling matuyo ang pawis kung tayo ay nababalutan ng balahibo.
Ito ang dahilan kaya tayo naging makinis.
Sa paglalakad sa dalawang paa, ang ating mga braso ay naging malaya. At ito ang nagbukas ng daan para tayo ay makalikha at manipulahin ang kalikasan.
Nagsimulang mag-evolve ang ating kamay nang matuto ang ating mga ninuno na gumawa at gumamit ng tools. Nakababaliw isipin na ang lahat ng teknolohiya ngayon ay nagsimula sa mga simpleng bato.
Ang pagbubuhat at paghawak ng mga bagay ay hindi ganung kadali. Nangangailangan ito ng grip at pressure. Dito naman unti-unting nadevelop at lumaki ang ating thumb. At ito ang gumawa ng ating mga trabaho. Kumpara sa mga chimpanzee at gorilla, ang ating hinlalaki ay higit na mas malaki. Kung ang mga leon at hyena ay may matatalas na ngipin at kuko, tayo naman ay may kakayahang gumawa at gumamit ng sibat at kutsilyo. Dito nagkaroon ng advantage ang ating mga ninuno laban sa malupit na kapaligiran ng Africa.
Pinaniniwalaang ang unang nag-imbento ng tools ay ang Homo Habilis na nabuhay mahigit dalawang milyong taon na ang nakalilipas. Ngunit ang paghulma sa matitigas na bato at ang paraan ng paggamit nito ay hindi lang nangangailangan ng hinlalaki at husay ng kamay, nangangailangan din ito ng matinding imahinasyon at konsentrasyon. At dito mas nag-evolve ang ating utak.
Sa tuwing naghuhulma ang ating mga ninuno ng mga kumplikadong bagay, mas lalong tumatalas ang kanilang kaisipan. At sa tuwing tumatalas ang kanilang kaisipan, mas lalong nagiging kumplikado ang mga bagay na ginagawa nila. Kaya kasabay ng pag-advance ng stone tools, kasabay ding tumatalino ang ating mga ninuno.
Ngunit kagaya ng muscle, ang utak ay lumalaki rin kapag laging ginagamit. Ang laki ng utak ng mga sinaunang tao ay nadadagdagan sa pagdaan ng mahabang panahon. Dahil dito, kailangang humabol sa paglaki ang kanilang mga bungo upang sa gayon ay maproteksyonan ito.
Dito na literal na lumaki ang ating ulo at nahiwalay sa itsura ng mga pinsan nating unggoy. Ngunit ang problema, ang pagkakaroon ng malaking ulo ay may kapalit. Ang malaking utak ay may malaking demand sa enerhiya. Kumakain ng maraming calories ang pag-iisip.
Kinakailangan ng ating mga ninuno ng madaming pagkain, bagay na mahirap makamit sa isang malupit na kapaligiran. Ngunit isang biyaya ang tumama mula sa langit, nadiskubre nila ang paggamit ng apoy. Partikular na ang pagluluto. Bukod sa pag-e-enhance ng lasa, ang pagluluto ay nagpapalambot din sa pagkain.
Dahil dito, mas mabilis nang kainin ang mga karne at gulay at mas madali na itong i-digest ng ating katawan. Dito nasulusyunan ng kalikasan ang malaking demand natin sa enerhiya. Bilang epekto ng pagluluto, lumiit ang ating mga ngipin at digestive system.
Ang Homo Erectus ang sinasabing unang gumamit ng apoy. Sila ay nabuhay kulang-kulang dalawang milyong taon na ang nakalilipas. Dahil sa pagbabago ng ating mga ninuno sa paraan ng pagkain, nagbago rin ang paraan ng pakikisama nila sa kapwa. Ang pangangaso at pag-i-scavange ang nagtulak ng mas matibay na kooperasyon at dependence sa isa't-isa.
At dahil na rin sa pagluluto, nagkaroon sila ng mas mahabang oras sa pakikisalamuha sa mga miyembro ng kanilang grupo. Dito tayo nagsimula bilang isang social organism. Para maging social being, kailangan natin ng palitan ng interaksyon sa kapwa. Kailangan nating maunawaan ang iniisip at nararamdaman ng ating kaharap, at sila naman sa atin. Sa ibang salita, kinakailangan natin ng komunikasyon. Nakayanang gawin ng ating mga ninuno na ipasa ang kanilang ibig sabihin sa tulong ng body movements at higit sa lahat, ng lenggwahe.
Sa ngayon ay wala pang nakakaalam kung saan at kailan eksakto nag-originate ang pinakaunang lenggwahe. Pinaniniwalaang ang Homo Heidelbergensis, ang direktang ninuno ng homo sapiens, ay ang unang nagbigkas ng mga salita.
Ayon sa mga anthropologist, ang pinakamalapit na kalahi natin na Neanderthals ay matatas nang magsalita kagaya ng modernong tao. Sa paggamit ng lenggwahe, madaling nailalarawan ng ating mga ninuno ang kanilang nais ipaunawa sa kapwa. Bagay na dala pa rin natin hanggang sa ngayon.
Sa gitna ng pangangaso, mahalagang magkaroon ng ugnayan ng hindi nabubulabog ang hinuhuli. Ang paggamit ng senyas gamit ang katawan ay mahalaga. Kung inyong mapapansin, tanging ang mata lang ng tao ang may puti sa paligid ng eyeball. Yun ay upang madaling makita ng kapwa ang direksyon ng ating tinititigan.
Ang eye contact ay may malaking tulong para ipaalam at alamin ang iniisip ng kaharap. Ang mga facial expression kagaya ng kalungkutan, galit, nasasaktan, at masaya ay nakatulong ng malaki sa pagpapakita ng ating nararamdaman. Bagay na importante sa pagbuo at pagme-maintain ng social relationship ng ating mga ninuno.
Ang mapabilang sa isang social group ay kumplikado. Kailangan ng bawat isang indibidwal na matanggap ng kanyang mga kasama. Bukod doon, kailangan din niyang alamin at magkaroon ng kinalalagyan sa kanyang tribo. Ang hindi kayang makisama at maging kaaya-aya ay nasa panganib na masaktan at mag-isa sa marahas na kapaligiran.
Ang mga ninuno natin ay napwersang mag-isip ng paraan para mas maging sociable. At dito nabuo ang ating mga basic social traits kagaya ng pagbibigay ng pabor, pagko-compliment at pagtulong. Masama mang sabihin, dito din tayo natutong magsinungaling, mamulitika at manira ng kapwa.
Ang lahat ng klase ng social interaction ay nangangailangan ng matinding brain power at ito ang nagpabilis ng husto sa ebolusyon ng ating utak. Dito na ito tuluyang naging moderno. Ngunit ang pagkakaroon ng malaking utak ay may malaking side effect. Lalo na sa mga babae. Dahil ang bipedalism ay nagpaliit ng ating pelvic bone, ang pagdadala ng sanggol sa sinapupunan at panganganak ay masyadong naging mahirap at masakit para sa mga ina.
Bago pa man tuluyang lumaki at mag-mature ang fetus, kinakailangan na nitong iluwal ng maaga upang sa gayon ay magkasya ang malaking ulo nito sa maliit na pwerta ng babae. Kaya ang epekto, ang bawat tao sa mundo ay kinakailangang ipanganak na premature. Hindi tulad sa mga hayop kung saan ang mga supling ay madaling nakakagalaw at nakakalakad pagkapanganak, ang ating mga sanggol ay mahina at walang kalaban-laban.
Bukod dito, halos dalawang dekada ang kailangang gugulin para tuluyang mag-mature ang isip at katawan ng bata. Sa panahon na 'yon, nangangailangan sila ng matinding pag-aaruga at pagbabantay. At dito nagsimula ang konsepto ng monogamy at kumpletong pamilya.
Ang pagkakaroon ng dalawang magulang imbes na iisa, ay nagbibigay sa anak ng mas mataas na survival rate. Sinasabi rin na kaya ang buhay ng tao ay mas mahaba kaysa sa normal ay upang maalagaan din ng mga lolo at lola ang kanilang mga apo.
Dalawang daang taon na ang nakalilipas, ang modernong species ng tao, ang Homo Sapiens, ay lumitaw. Habang ang ibang species ng tao ay isa-isang naging extinct, iniwanan natin ang Africa at nagpunta sa lahat ng sulok ng daigdig.
Naging eksperto tayo sa kakayahang ibinigay sa atin ng ebolusyon. Ang mag-adapt sa lahat ng klase ng kapaligiran. Sinakop natin ang buong mundo. Tayo ay hinulma ng walang tigil na pagbabago ng marahas na kalikasan.
Hindi lang tayo dinisenyo para mabuhay. Idinesenyo tayo para mag-improve at ipasa ang improvement na ito sa susunod na henerasyon.

Walang komento: