Header Ads

Ano Ang Blog?

Ang Blog ay ang modernong pamamaraan ng pagsusulat kung saan nagbibigay ng impormasyon sa pamamagitan ng internet sa mukha ng mga artikulo na may iba't-ibang mga partikular na paksa.


Karaniwan, ang tradisyunal na paraan ng pagsusulat para magbahagi ng impormasyon sa ibang tao ay ang paggamit ng ballpen at papel, o di kaya naman ng typewriter. Noon may kahirapan sa pagpapalaganap ng impormasyon gamit ang mga pamamaraan na ito. Dahil kailangan mo pang maka-ilang ulit na gumawa ng kopya ng iyong sinulat para maibahagi ito sa libu-libong mga mambabasa na may interes dito. Gaya ng aklat, newspaper, magazine, primer at iba pa.

Sa partikular, ang pagbo-blog ay maihahalintulad natin sa isang diary kung saan isinusulat natin ang ating mga impormasyon na napapatungkol sa mga karanasan at kaalaman na ating natututunan sa pang-araw-araw na buhay. Ang kaibahan ng blog, nakatransporma ang iyong sulatin sa web o internet gamit ang computer at ito ay nababasa ng lahat kung sino man ang may nagnanais.

Paano gumawa ng Blog?

Libre lang ang gumawa ng blog. Mamimili ka lang ng blogging site na mas mainam sayo na gamitin. Ang ilan sa mga sikat na site ay ang Blogger at Wordpress pero mas iminumungkahi ko sa isang baguhan na gamitin ang Blogger.

Una, kailangan mo ng verified email address pero mas iminumungkahi ko na gmail account ang gamitin mo.


Mag-sign-up ka sa Gmail at mag-fill-up ng mga personal na impormasyon tungkol sayo na hinihingi ng gmail.


Kung may gmail account ka na, maari ka ng direktang mag-sign-in sa blogger gamit ang iyong gmail account.




Pangalawa, mag-isip ka ng Niche o paksa na nakabatay sa mga hilig o interes mo. Mas madali at komportableng magsulat kapag nakatuon ang iyong paksa sa mga bagay na kinahihiligan mo. Kung mahilig ka sa pagkain, bakit hindi tungkol sa food ang isulat mo? o di kaya naman kung mahilig ka sa sports, kung maalam ka sa technology, kung hilig mong magtravel, kung magaling ka sa business, o magaling kang magbigay ng tips tungkol sa health.

Kung naka-isip ka na ng partikular na Niche kung saan iikot ang iyong mga sulatin, ngayon mag-isip ka naman ng title ng iyong magiging website. Mungkahi ko na gawing mong maiksi ang iyong title at unique, para madaling matandaan at balik-balikan ng iyong mga mambabasa. Pagtapos ka ng mag-isip ng title ng iyong blog, ikumpirma mo ito kung hindi pa nagagamit ng iba, at saka ka pumili ng template o magiging design ng iyong website.


Ano ang content?

Ang content ay ang laman ng iyong sulatin. Hindi mo kailangang maging mahusay na writer o maging bihasa sa pagtatalakay ng iyong topics lalo na't kung ikaw ay nagsisimula pa lamang sa blogging.

Sapat na munang magsimula kang magsulat na napapatungkol sa sarili at karanasan mo. Tandaan mo, huwag kang matakot na ipahayag sa iyong pagsusulat ang iyong mga personal na nararamdaman dahil isa ito sa mga susi upang maging makabuluhan ang iyong content.

May iba't-ibang paraan ng pagsusulat kung saan nagbibigay ka ng impormasyon. Nariyan ang nakakatawa, madrama, nakakalungkot, informative, at iba pa. Ang mga context na ito ang pinakamalaga sa pagsusulat upang maging makahulugan ang iyong content at ito din ang dahilan kung bakit babalik-balikan ng iyong mga mambabasa ang iyong blog at mag-abang pa ng mga susunod mong artikulo.

Maraming mga blogger ang nagsimula sa pagbo-blog na hindi kahusayan sa pagsusulat. Pinanday sila ng panahon at kasanayan. Ngayon, kalakhan sa kanila ay naging successful at sumikat dahil sa pagsusulat.

Sa lahat ng larangan, walang nagsisimula na magaling. Pero ang lahat ng bagay ay napag-aaralan at natututunan lalo na't pag palagi mo itong isinasapraktika at sinasanay.



6 (na) komento:

Pinapagana ng Blogger.