Paano Nagsimula Ang Universe?
Tayo ay napapalibutan ng mga bagay, ang langit sa ibabaw natin, ang lupang ating tinatapakan, ang tubig, hangin, mga puno't hayop, maging mga tao din. Minsan ka na bang nagtaka kung saan nanggaling ang lahat ng ito? Paano nabuo ang mundong ating ginagalawan? Paano tayo napunta dito?
Ito ang mga katanungan na matagal ng pinag-iisipan ng tao kahit noong nagsimula pa lang na nagkaisip ang ating mga ninuno. Ito na marahil ang pinakamatanda at pinakamabigat na palaisipan na kailangan nating sagutin.
Sa pag-usad ng agham ay unti-unting nasasagot ng pinakamahuhusay na kaisipan at teknolohiya ang misteryong ito. Maghanda kayo dahil aking tatalakayin ang buod ng buong universe at ang lahat ng mga bagay na nakapaloob dito.
Ang lahat ng matter kabilang na ang ating katawan ay binubuo lamang ng iba't-ibang kumbinasyon ng elements. Ang elements ay uri ng atom na may kanya-kanyag katangian. Ang ilan sa mga ito ay pamilyar na sa atin kagaya ng oxygen, carbon, hydrogen, gold, at silver. Sa kabuuan ay mayroon ng 118 elemento na ang nadiskubre na ng tao. (92 natural; 26 artificial).
Para maintindihan kung paano nagsimula ang lahat ay dapat muna nating alamin kung paano nabuo ang bawat isa nito.
Nagsimulang mabuo ang matter na ang isang sobrang liit ng konsentrasyon ng purong enerhiya at gravity ay sumabog kulang-kulang labing apat na milyong taon na ang nakalilipas, ito ay ang Big Bang. Sa ngayon ay inaalam pa ng mga scientist kung ano mismo ito at kung bakit ito sumabog.
Ngunit sa mga ebidensya kagaya ng mga misteryong tunog mula sa outer space at pag-eexpand ng universe napatotohanan na naganap na ang big bang. Sa katunayan ang maliit na porsyento ng white noise na nasasaksihan natin sa telebisyon tuwing naglilipat ng channel ay nagmula sa radiation ng big bang.
Ang big bang ay gumawa ng hindi mabilang na hydrogen atoms. Sa dami ng hydrogen sa kalawakan nagmistula silang mga higanteng tipak ng ulap. Dahil sa katangian ng gravity na hilain ang mga bagay na may mass palapit sa isa't-isa. Ang mga parte kung saan makapal ang hydrogen clouds ay nag-in-dense at sa loob ng ilang milyong taon ay naging mga bituin.
Sa paglitaw ng mga bituin, simula sa kapanganakan at kamatayan nila ang lahat ng klaseng elemento ay mabubuo. Para lubos nating mapag-aralan kung paano nangyari iyon ay kinakailangan muna nating alamin ang istruktura ng atoms.
Ang isang atom ay binubuo ng tatlong sub-atomic particles. Ang proton at neutron sa sentro nito at ang electron na umiikot sa paligid. Ang kaibahan ng isang element sa ibang elements ay ang dami ng proton sa loob ng nucleus nito.
Halimbawa ang hydrogen ay may isang proton, dagdagan pa ng isang proton, ito ay magiging helium. Dagdagan ng apat, ito ay magiging carbon. Ang oxygen ay may walong protons, ang calcium ay may 20, ang ginto ay may 79, at hanggang umabot tayo sa uranium na may 92.
Ang kada isang sub-atomic particle ay may sariling charge, positive sa proton, neutral sa neutron, at negative sa electron. Ang charge ng proton at electron ay maikukumpara sa poles ng isang magnet na may positive at negative poles. At kagaya din ng magnet imposible na magdikit ng kusa ang dalawang particle na may magkaparehong charge.
Nangangahulugan lang na hindi ganoon kadali na pagkumbinahin ang dalawa o higit pa na element upang bumuo ng isa pang panibagong element. Maliban na lang kung may matinding pressure na magdidikit sa mga ito. Sa palibot ng isang sub-atomic particle ay mayroong isang uri ng force na tinatawag na strong nuclear force. Sobrang lakas ng attractive force nito ilandaang beses na mahigit kaysa sa gravity. Ang kaso ito ay may epekto lamang sa sobrang iksing distansya.
Kung ang dalawang elemento ay napwersa na mapaglapit ng husto saka pa lamang gagana ang strong nuclear force at mapagdidikit ng kumpleto ang dalawa na sya namang bubuo ng isang panibagong elemento. Ang tawag sa prosesong ito ay nuclear fushion.
Sa pagsasama ng dalawa o mahigit pang protons ito ay naglalabas ng matinding enerhiya. Kung kayo ay nagtataka kung saan nanggaling ang init at liwanag ng araw, iyon ay dahil sa nuclear fushion. Ang araw ay walang humpay na nagkukumbina ng hydrogen atoms at ang epekto ay ang sikat na bumubuhay sa lahat ng nilalang sa daigdig.
Ang tanong ay kung ano ang matinding lakas na nagpupwersa sa mga elements na magdikit at mula dito ay muli tayong babalik sa mga bituin.
Ang mga bituin ay mayroong napakatindi na gravity dahil sa napakalaking mass nito kaya ang epekto ang sarili mismong bigat nito ang syang pumipisa dito. Pero ito ang catch, habang pinipiga ng gravity ang bituin ang mga hydrogen at helium atoms ay napupwersang magdikit. Nagkakaroon ng nuclear fushion at naglalabas ng enerhiya. Dahil ang direksyon ng enerhiya ay papalabas, nababawasan nito ang pressure ng gravity at naiiwasan ang pag-collapse ng bituin sa sarili nitong bigat.
Ngunit ang gravity ay hindi tumitigil at limitado lang ang fuel ng bituin. Sa pagdaan ng panahon, unti-unting nauubos ang hydrogen nito dahil dito kinakailangan ng bituin na ipagpatuloy ang nuclear fushion sa ibang paraan. Ang helium atoms naman ang pupwersahin nitong ipag-fuse para makagawa ng enerhiya na kokontra sa gravity.
Ang ating araw ay walang kakayahang magfuse ng helium sapagkat hindi sapat ang gravity nito. Ngunit para sa mga higanteng bituin ang paggawa ng elements na mas mabigat pa sa helium ay simple lamang. Sa pagtagal, ang kombinasyon ng madaming protons ay magaganap at malilikha ang iba't-ibang klase ng elemento lalo na sa pinaka-core ng bituin hanggang sa mabuo ang iron at dito na lalabas ang problema ng mga tala.
Ang iron ang pinaka-stable na elemento sa lahat. Masyadong malakas ang pag-refill nito sa ibang atoms kaya imposible pa sa isang bituin na i-convert ito sa mas mabigat pa na elemento. Nanganghulugan ito na sa oras mabuo at dumami ang iron sa bituin mababawasan ang nuclear fushion at hihina ang enerhiya na kumokontra sa pressure ng gravity. Ang bituin ay tuluyang magcocollapse sa sarili nitong bigat at isang napakalakas na pagsabog ang magaganap, ang supernova.
Ang supernova ay para ding isang maliit na big bang. Ang enerhiya na ginagawa nito sa loob lamang ng isang segundo ay higit pa sa dami ng lahat ng enerhiya na ginagawa ng bituin habang nabubuhay pa. At dahil sa tindi ng lakas ang mga matitigas na iron atoms at napupwersang magfuse sa ibang atoms. Dito na mabubuo at makukumpleto ang lahat ng klase ng elemento.
Sa kamatayan ay muling uusbong ang bago at mas magandang kabanata. Ang mga alikabok mula sa labi ng mga bituin na gawa mula sa lahat ng elemento ay muling pagsasama-samahin ng gravity. Sa ganitong paraan nabuo ang araw, ang ating planeta, at higit sa lahat tayong mga tao.
Sa makatuwid ang komposisyon ng ating katawan at ang lahat ng bagay sa paligid ay minsang nagningning sa itaas natin.

Walang komento: